
ANONG MERON SA STARKLE 20 SG NA WALA SA IBANG INSECTICIDE?
May Kakaibang Active Ingredient
Nagtataglay ng Dinotefuran, ang pinakabagong third generation neonicotinoid insecticide.
May Kakaibang Killing Action
Mabilis na inaatake ang central nervous system sa paraang kakaiba kaysa organophosphates, carbamates at synthetic pyrethroids at iba pang neocotinoids.
May Triple Action
May stomach, contact at highly systemic action. Ang Starkle 20 SG ay dagliang
nanunuot sa buong sistema ng halamang mangga.
May Broad Insecticidal Spectrum
Mabangis at mabisa sa mango hoppers at iba pang mapanirang insekto ng mangga.
May Long Residual Efficacy
Ang Starkle 20 SG ay may bisang tumatagal.
Rain Fastness
Ang Starkle 20 SG ay hindi nahuhugasan ng ulan tatlong (3) araw oras makalipas ibomba.
May Katangi-tanging Pormulasyon
Dahil sa katangi-tanging Soluble Granule (SG) formulation ng Starkle 20 SG, ang mga masasamang karanasan sa paggamit ng wettable powder (WP) at emulsifiable concentrate (EC) formulations ay nalutas na.
Mas Ligtas ang Kapaligiran
Ang kapaligiran ay ligtas sa Starkle 20 SG dahil sa kanyang katangiang napakababang toxicity sa mga ibon, mga isda at iba pang aquatic invertebrates at mga predatory mites.
Ligtas sa mga Gumagamit
Dahilan sa kakaibang katangian ng Starkle 20 SG, ito ay may napakababang mammalian toxicity sa kadahilanang ito ay low dose insecticide, kaya't ang panganib ay malayo sa gumagamit lalo na kung may ibayong pag-iingat sa paggamit.
Angkop Para sa IPM at mga Resistance Management Programs
Ang Starkle 20 SG ay napakagaling para sa IPM at Resistance Management Programs. Ang Starkle 20 SG ay itinanghal na organophosphate alternative ng US Environmental Protection Agency. Ito ay aktibo sa mga mapanirang insekto na nagkaroon ng resistance sa imidacloprid insecticide.

Mga Pangunahing Dahilan kung bakit dapat natin sugpuin ang mga Mango Hoppers
- Ito ay lubos na nakasisira sa ating mga pananim na mangga.
- Ang mga adults at nymps ay parehong mapanira. Sinisipsip ng mga ito ang katas ng halaman na nagreresulta sa pagkatuyo at pagkasira ng halamang mangga.
- Naglalabas ng pulot na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng amag o sakit na sooty mold.
- Kapag pinabayaang makapanira ang mango hoppers ito ay magdudulot ng panghina o pagkawala ng ani.
Gaano Kabilis Dumami ang Mango Hoppers Kapag Napabayaan
- Ang isang adult mango hopper ay maaaring magkaanak ng libo-libong itlog.
- Napakabilis dumami ng mango hoppers dahil ang mga naging babae sa mga itlog na ito ay pwede na din mangitlog sa loob lamang ng dalawang (2) linggo mula pagka-itlog.
|